Walang 30 minutes ang pagboto namin ngayon. Sa totoo lang naglaan ako ng dalawang oras para sa botohan. Medyo tanghali na kasi at ineexpect kong marami ang tao at mahaba ang pila. Umalis kame ng kapatid ko ilang minuto bago mag alas nwebe. Natagalan lang kame sa paghahanap ng Presinto. Una namin pinuntahan yung presinto na pinagbotohan namin nung National Elections(May), nagbabakasakaling doon din ulit kame. At dahil wala, first time na iisa-isahin ang bawat presinto para maghanap. Ayun, may tumulong samin. Mabilis namin nakita. Pagdating namin sa presinto, walang pila. At mabilis lang =)
Sa totoo lang, hindi ako ganun kakumbinsido na bumoto ngayung barangay eleksyon. Una, hindi ko kase kilala yung mga tumatakbo.
Pangalawa, may pasok kase ako sa trabaho ngayung araw na to. So nagdadalawang isip talaga ako kung uuwe pa ako sa probinsya.
Pero.. napag-isip isip ko, tama lang na umuwe ako. At bumoto. Akalain mong napanag-inipan ko pa yung eleksyon! Pinag-didiskusyunan daw namin ng tatay ko kung sino ba dapat ang iboto. hahaha. At isa sa mga kandidato si Joel Osteen! At sya ang gusto ng tatay ko. Tapos di ko na maalala kung sino ba yung kalaban nya.
“Anong mangyayare kapag di ka bumoto?”, tanong ng kapatid ko sa tatay ko kahapon pagkatapos kame sunduin sa terminal ng bus.
“Edi hindi mo nagamit ang karapatan mong bumoto!”, sabi ng Tatay ko.Haha. Tama naman. At dapat alam ko na to.
So anung gagawin ko, e di ko nga kilala yung mga tumatakbo. Naririnig ko man ang mga pangalan nila noon, hindi ko naman alam yung pagkatao nila. E kaya pang andito ang mga magulang ko diba?. Tama lang naman na humingi ako ng opinyon nila kung sino ang tingin nilang karapatdapat.
Kung tutuusin, magkasing importante o maaring mas importante pa nga ang Barangay Elections kesa sa National Elections kase ang mga mananalo dito ang mga pinaka unang mga tao na magkakaroon ng direktang “concern”(ang hirap magtagalog) sa mga mamamayan nito. Ang barangay ang pinakamaliit na yunit(political) sa Pilipinas. Ibig sabihin, sa kanila huling dadaan ang mga proyektong gustong ipatupad ng mga nakataaas sa kanila(Mayor, Gobernador, Kongresman, etc). Sila din ang direktang makakaramdam at makakaalam ng kung anu bang proyekto o pagbabago ang pinakamabuti sa mga kabarangay nila.
Ito ang unang pagboto ko sa Barangay Elections. It’s good to exercise our right.
“A vote is like a rifle; its usefulness depends upon the character of the user.” -Theodore Roosevelt.
Read More