Nakakatuwa makakita ng mga taong kita mo na mahal nila yung trabaho nila.
Kunyari, mga Doktor na very enthusiastic makinig at magdiscuss ng mga mahahalagang bagay na dapat malaman ng mga pasyente nila(parang doctor ng father ko na namee ko kanina, tapos narealize ko ‘to, tapos ninote sa SpringPad ko).
O kahit yung mga cashier sa mga convenience store, yung para bang hindi sila pagod at todo smile pa rin sa customer?(parang yung cashier sa MiniStop MMC branch na nakita ko kanina)
Yung mapapansin mo sa outlook nila sa buhay, o kaya sa simpleng paraan ng pagsasalita, pag-ngiti sa customer at kung anu-ano pa.
Parang isang beses, yung doktor na pinapakonsultahan ko nung umabot na ng tatlong linggo e inuubo pa rin ako — matagal pa ata yung pag-antay ko sa pag eksamin sakin. Kanina nag-pacheck up ulit ako(pero ibang doktor naman). Umabot ng limang oras ung pag-aantay para sa wala pang 15 minutes na consultation? Hmmm. Buti nakapag pigil ako, kasi muntik na naman ako umiyak sa pagkabadtrip :S. At ang sakit na ng ulo ko nun! Muntik pa tuloy ako mapa-Sick Leave ng wala sa oras. Buti na lang nirecommend ako for further lab exams. Kesa naman dun nga sa huling doktor na napuntahan ko na niresetahan lang ako ng Bioflu at Robitusin. Tsssk! Sana sa pharmacy na lang ako nagtanong ng gamot no! Buti na lang, worth in naman ang paghihintay.
Tapos ayun, yung feeling na ayaw mong pumunta ng hospital para magpacheck up. Pero dapat magtyaga. At maging maagap. Kasabihan nga, An ounce of prevention is worth a pound of cure‘. Actually, parang mas maganda nga kung An ounce of prevention is better than a pound of cure‘.
Other Thoughts: Habang nasa hospital, ang dami tao. Iba’t ibang klase ng tao. Naisip ko ang ung linya na naghihiwalay sa mayayaman at mahihirap. Kalungkot. Naisip ko rin, sa isang mundo na puro mga doktor, pano ka kaya mag-iistand out. May career level din ba sila na parang sa IT? — >super random.
Read More
